Dagdag-bawas sa oil products – namumuro

Asahan na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources, posible ang P0.20 hanggang P0.60 na taas-presyo sa kada litro ng diesel.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa gasolina naman, may inaasahang malakihang rollback mula P1.90 hanggang P2.30 sa kada litro nito.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Rollback din ang aasahan sa kerosene mula P0.20 hanggang P0.60.

Araw ng Lunes iaanunsyo ang opisyal na price adjustment, habang ipatutupad naman ito sa araw ng Martes.