Pasahe sa jeep sa susunod na linggo, posibleng tumaas

Nagbabadyang tumaas ang pasahe sa mga public utility jeepneys sa susunod na linggo bunsod ng nakatakdang pag-anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon sa hirit na fare hike ng iba’t ibang transport group.

Sa araw ng Martes, Oktubre a-3, ilalabas ng LTFRB ang desisyon sa hirit na P5 na taas pasahe para sa unang apat na kilometro at P1 provisional fare increase kung ito ay para lamang sa traditional PUJs sa NCR.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Kung maalala, huwebes ng kasalukuyang linggo ng maghain ng petisyon ang PASANG MASDA, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa LTFRB.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kinonsulta naman muna ng naturanf board ang National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang stakeholders bago ibaba ang desisyon.