Daet, natatanging Diyosesis sa Bicol na walang Obispo

CAMARINES NORTE- Natatangi ang Diyosesis ng Daet sa Bicol Region na walang Obispo o “sede vacante” at kabilang naman sa walo pang Diyosesis sa buong bansa na naghihintay ng bagong pastol na itatalaga ni Pope Francis.

Batay sa datos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang mga Diyosesis sa bansa na sede vacante ay ang Balanga, Catarman, Gumaca, Ipil, Pagadian, San Pablo, Tarlac at Daet.

Noong isang linggo ay itinalaga ng Santo Papa si Father Rafael Cruz ng Archdiocese of Lingayen- Dagupan bilang bagong Obispo ng Baguio kaya mula sa siyam na sede vacante Dioceses ay naging walo.

Naging sede vacante ang Daet epektibo simula noong May 2, 2024 sa pagkakatalaga kay Bishop Rex Andrew Alarcon bilang Arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Lungsod ng Naga.

Sa ngayon ay nasa pamamahala ng Diocesan Administrator ang Daet sa katauhan ni Fr. Ronald Anthony Timoner, makaraang italaga noong nakaraang buwan ni Archbishop Alarcon.

Naging “sede vacante” ang Daet sa panahon pa man din na ito ay naghahanda para sa ika- 50 taon anibersaryo ng pagkakatatag bilang Diyosesis o golden jubilee celebration sa Setyembre.

Kahapon naman ang installation at canonical possession ni Bishop Luisito Occiano bilang ikatlong Obispo ng Virac sa Catanduanes.

Pinalitan niya si Bishop Emeritus Manolo Delos Santos na ipinanganak sa Basud, Camarines Norte na nagsilbi sa naturang Diyosesis sa loob ng halos 30 taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *