Daang-libong residente sa Vietnam, inilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Karding o Typhoon Noru

Matapos manalasa sa Pilipinas, sunod namang hinagupit ng bagyong #KardingPH o Typhoon #Noru ang Central Vietnam.

Batay sa ulat, daang libong mga Vietnamese ang inilikas bago nag landfall ang naturang bagyo nitong Miyerkules.

Read More:  Food Poisoning incidents raise safety concerns over Indonesia’s free meals program

Bagamat bahagyang humina dahil sa mga nauna na nitong landfall sa Pilipinas, tinukoy pa rin ng Vietnam National Centre for Hydro-Meteorological ang bagyo bilang Category 2 Hurricane dahil sa taglay nitong lakas ng hanging umabot sa 175 kph.

Read More:  Haze from Indonesia forest fires reaches Metro Manila

Maraming bahagi ng naturang bansa ang nalubog sa baha, nawasak na mga bahay at establisiyemento at nasirang palayan. | JDR