11 kooperatiba sa iba’t ibang bayan sa albay, magkakaroon ng biosecure swine housing facility

LEGAZPI CITY – Nagsisimula nang itayo ang proyektong Biosecure Swine Housing Facility sa iba’t ibang mga bayan sa Albay.

Ayon kay Dr. Pancho Mella, ang head ng Albay Provincial Veterinary Office, 11 kooperatiba sa iba’t ibang mga bayan sa nasabing lalawigan ang magkakaroon ng Biosecure Swine Housing Facility.

Kabilang dito ang nabigyan ng grant mula sa Department of Agriculture, Quipia Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative, Bantonan Community Development Cooperative, San Vicente Pequeno Farmers Association, Galuda Farmers Association, Sta Resita Farmers Association, Albay Hog Raisers Association at iba pa.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Aniya, ang mga nabanggit na kooperatiba ay tapos na sa groundbreaking ceremony ng Biosecure Swine Housing Facility.

Sinimulan ng DA ang proyekto para sa pag-repopulate ng supply ng baboy matapos tamaan ang Albay ng African Swine Fever (ASF) at mabawasan ang importation ng meat products sa lalawigan.

Hindi lang ang kooperatiba ang maaaring mabigyan ng proyekto na mula sa nasabing tanggapan maging ang Local Government Unit, Provincial Government at SUC ay maaari rin mag-apply sa oras na maging successful ang mga ito sa programa.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aabot sa P5.5M ang halaga ng proyekto na grant ng DA Bicol kung saan ang P4.1M ay para sa infrastructure development o konstruksyon ng facility habang ang P900K ay para sa piglets at ang natitirang pondo ay para sa pagpapakain ng mga piglets. Umaasa ang opisyal na ang mga ipinapatayong pasilidad sa mga kooperatiba ay maging matagumpay upang magkaroon ng dagdag na kita at sustainability sa hog industry.