Daan-daang Sorsoganon, nakinabang sa ‘Serbisyo Caravan’ ng Pre-SONA

Daan-daang residente ng lungsod at kalapit na mga bayan ang nag-avail ng mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa pagsagawa ng ‘Serbisyo Caravan’ sa capitol grounds noong Lunes.

Ang aktibidad ay bahagi ng ‘Nagkakaisang Bumabangon: 2023 Pre-State of the Nation Address (SONA) Caravan ng Presidential Communications office (PCO) sa pamamagitan ng PIA-Bicol.

Nakilahok ang 16 na ahensya at kasosoyo ng gobyerno na nag-alok ng mnalawak na hanay ng mga serbisyo sa komunidad at mga marginalized na sektor.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Kasama sa mga katuwang na ahensya para sa Serbisyo Caravan ang mga panrehiyon at panlalwigang ahensya ng LTO, PSA, DTI, PopCom, Sorsogon Provl Office, DSWD at ang Kagawaran ng Agrikultura.

Ang DENR at ang EMB ay nag-alok ng serbisyo tulad ng pagpaparehistro ng chain saw at namahagi ng mga punla at impormasyon, edukasyo at mga materyales sa komunikasyon.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Kabilang sa iba pang mga kalahok na ahensya ang National Telecommunications Commission, PhilHealth, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Labor and Employment, Department of Health, Social Security System, Philippine Army, Technical Education and Skills and Development Authority at Department of Information and Communications Technology .