Dating Albay Gov. Noel Rosal, nagbigay ng kanyang opisyal na pahayag matapos na isilbi ng DILG Bicol ang writ of execution

Ibinigay na ni dating Albay Governor Noel Rosal ang kaniyang opisyal na pahayag matapos isilbi ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) Bicol ang writ of execution mula sa COMELEC en banc.

Umani ng sari-saring reaksiyon ang mga tao ukol sa kaniyang pahayag sa pamamagitan ng isang facebook post, kung saan marami sa mga ito ay mula sa kanyang mga taga suporta.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa pahayag ni Rosal kagabi ay nagpasalamat ito sa mga sumuporta at bumoto sa kanya nitong nagdaang election.

Aniya, siya ay bababa sa pwesto at lilisanin na muna nito ang kapitolyo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sinabi pa ni Rosal, hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung mayroon mang masaktan dahil sa pakikipaglaban ng mga ito.

Samantala, inaasahan ngayon araw na maging normal na ang takbo sa kapitolyo.