DA Sec. Laurel nangakong tutulong ang  sa pagpapataas  pa ng produksyon ng palay sa Camarines Sur

NAGA CITY- Kayang iangat pa ang rice production sa Camarines Sur at iba pang produktong pang agrikultura ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa pagbisita ni DA Sec. Francisco “Kiko” P. Tiu Laurel Jr. sa lalawigan,  binanggit nito na kung Top 6 ngayon ang Camarines Sur sa rice production ay kaya pang maingat sa Top 5 o Top 4; tutulong ang Kagawaran.  Bukod dito tututukan din ang agri-fisheries upang maabot ang food security.

Pinangunahan ng kalihim ang pamamahagi ng  P75.03 million worth of financial aid at farm equipment sa Kapitolyo nitong Abril 12, 2024.  Kasama sa ipinamahagi ang P10.64M ayuda pinansiyal sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance. Awarded na rin ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PHilMech) ang 28 units ng tractors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *