Nilinaw ng Department of Agriculture na hindi nila lilimitahan sa mga benipesyaryo ng 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang pagbebenta ng NFA rice sa merkado.
Ito ay makaraang imungkahi ni Agriculture Secretary William Dar na ibalik muli sa mga pamilihan ang murang NFA rice ngunit ilalaan ito sa mga 4Ps beneficiaries.

Ayon kay DA spokesperson Asec. Noel Reyes, magkakaroon lamang ng priority sa pagbebenta sa mga benipesyaryo nito – ngunit hindi naman ito ililimita sa iba pang mamimili.
Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang umano ang opisyal na Executive Order o EO na magmumula sa pangulo para sa pormal na implementasyon nito.
#