Kongreso, dapat lamang na ituloy ang canvassing sa kabila ng Supreme Court petition

Walang dahilan para hindi ituloy ng Kongreso ang gagawin nitong canvassing o pagbibilang sa boto para sa presidential at vice presidential race.

Ito ay kahit pa nakarating na sa Korte Suprema ang isang petisyon na nagpapakansela sa certificate of candidacy ni presumptive President Bongbong Marcos Jr at nagpapatigil sa bilangan at sa proklamasyon nito.

Read More:  Camp of former President Duterte continues preparations for ICC trial

Ayon kay House Deputy Speaker Rufus Rodriguez, dapat lamang na ituloy ng Kongreso ang pagbibilang ng boto na nakatakda sa darating na May 24.

Aniya, mayroon silang ‘constitutional duty’ bilang National Board of Canvassers na kailangang isakatuparan at hangga’t hindi aniya ipag-uutos ng Supreme Court na itigil ang bilangan ay hindi nila ito gagawin.

Read More:  Greenpeace Philippines insists ASEAN Summit protest was peaceful

Kaugnay nito, nagbabala naman ang kongresista sa kanyang mga kapwa mambabatas laban sa posibilidad na gawing dahilan ng iba’t-ibang sektor at grupo ang naturang petisyon laban kay Marcos upang maantala ang bilangan.(CLAY MARQUEZ)
#