DA, nagpasaklolo na sa UN sa gitna ng banta ng food crisis

Umapela na ang Department of Agriculture sa United Nations na gumawa ng mga hakbang para maibsan ang epekto ng pinangangambahang food crisis.

Hinikayat ni Agriculture Secretary William Dar ang United Nations – Food and Agriculture Organization o UN-FAO na panatilihing bukas ang agricultural trade.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ito ay sa gitna ng global food crisis na pinangangambahan dahil sa nagppatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nagresulta kasi ito sa pagbaba ng suplay at produksyon ng pagkain sa iba’t ibang mga bansa.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Ayon sa Kalihim, mayroon na silang na-monitor na mga bansang huminto na sa food exportation at bumaba na rin ang food production ng mga ito.
#