LTFRB, minamadali na ang pamamahagi ng fuel subsidy

Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tapusin ngayong linggo ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga operator at driver ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Executive Director Tina Cassion na binibilisan na nila ang pamimigay ng subsidiya kung saan sa kasalukuyan ay nasa P1.5 billion na ang naipamahagi mula sa P1.7 billion na alokasyon.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Katumbas aniya ito ng 238,212 mula sa 264,578 na benepisyaryo ng fuel subsidy.

Samantala, sinabi naman ni Cassion na naghahanda na rin sila para sa second tranche ng naturang subsidiya.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Posible aniyang sa katapusan ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo ay maibigay na ang panibagong round ng ayuda sa mga tsuper at operator.

Mababatid na mariing kinundena ng ilang transport group ang ipinatupad kahapon na malakihang taas presyo sa produktong petrolyo.(CLAY MARQUEZ)
#