DA, kinilala ang programang agrikultura ng bayan ng Pilar

Kinilala ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute ang mga programang pang-agrikultura ng Pamahalaang Bayan ng Pilar, Sorsogon. 

Ayon sa LGU, ang Special Citation Award na kanilang nakuha ay malaking inspirasyon upang kanilang mas mapalakas at mas mapalawak pa ang kanilang mga programang pang-agrikultura.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa katunayan umano, nasa 100% ang kanilang naabot sa pamamahagi ng palay seeds noong dry season cropping  simula noong November 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Pagpapakita lamang umano ito na mahusay na nagtatrabaho ang mga kawani ng Pilar Municipal Agriculture Office upang maging maayos at matagumpay ang kanilang rice program.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang Special Citation Award ay personal na tinanggap ni Municipal Agriculturist Engr. Danilo Ocmer.

 Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Mayor Carolyn Sy-Reyes sa karangalan na kanilang natanggap.