DA Bicol, namahagi ng buto ng mga gulay at kagamitan sa pagsasaka bilang bahagi ng HAPAG program

LEGAZPI CITY – Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) Bicol ang pamamahagi ng mga buto ng gulay, mga kagamitan sa pagsasaka at sa hardin sa mga nayon bilang bahagi ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Kadiwa ay Yaman (KAY) Plants para sa programa ng Bountiful Barangays Movement.

Ayon kay DA Bicol PIO Lovella Guarain, ang programa ay naglalayong gawin sa mga komunidad ang mga edible landscape at pagbutihin ang nutrisyon ng bawat Pilipino.

Read More:  71-year-old guard shoots worker in Mandaue over alleged bullying

Tinatayang nasa 50 mga barangay ang inisyal na kanilang nabigyan sa nasabing rehiyon.

Aniya, upang maging bahagi ng nasabing programa, kailangan nilang magpakita ng hangarin sa pamamagitan ng pagsusumite ng liham upang ma-avail ang nasabing mga libreng binhi, farm inputs, at garden tools.

Read More:  Himamaylan weavers get more time to work as solar lights brighten their nights

Maari umanong mabigyan ang 3,471 na barangay sa rehiyon ng mga sangkap ng ‘pinakbet gulay’ tulad ng talong, sitaw at okra.

Ang mga interesadong barangay ay maaaring pumunta kanilang tanggapan o sa Research Outreach Stations ng DA sa iba’t ibang lalawigan.