Tumaas ng 9.35 percent ang bilang ng mga manggagawa mula sa Olongapo City na nagtatrabaho sa mga kompanya sa Subic Bay Freeport Zone.
Base sa datos ng Subic Bay Metropolitan Authority, mula sa kabuuang bilang ng mga empleyado sa SBFZ na 145,230, nangunguna sa may mataas na bilang na 64,474 dito ay nagmula sa lungsod kung saan mas tumaas ito ng higit siyam na porsyento mula sa dating bilang na 58,960 as of April 2022.
Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Rolen Paulino Sr., ikalawa sa may pinakamataas na bilang na pinagmumulan ng mga manggagawa sa Freeport ay ang Zambales na may 27,087 o mas mataas ng limang porsyento ngayon kumpara sa mahigit 25,000 lamang nakaraang taon.
Ang mga nagmula naman sa Bataan ay nasa 18,062 o tumaas ng 2.5 percent kumpara nakaraang taon na nasa mahigit 17,000 lamang.
Ang ilan pang lugar na pinagmumulan ng manggagawa mula sa SBFZ ay ang National Capital Region, Pampanga, Tarlac at iba pa.
Samantala, inaasahan naman ng SBMA na tataas pa ang bilang ng mga manggagawa na magtatrabaho sa Freeport at madadagdagan rin maging ang mga kompanya dahil mas marami na ang bilang ng mga nababakunahan kontra covid-19.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo: SBMA Media Production
