DA-Bicol, nagpadala ng libo-libong sako ng palay seeds para sa Region 8

NAGA CITY- Libo-Libong sako ng palay seeds o binhi ang ipinadala ng Department of Agriculture- Bicol sa Region 8 na tatlong bayan ang nasa State of Calamity.

Nangangailangan kasi ng tulong upang makapag replant ang  mga magsasaka sa Eastern Visayas na labis na naapektuhan ng pag-uulan at pababaha, pati mga bodega ay naapektuhan. 

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin, tagapagsalita ng DA  Bicol sinabi nitong umabot sa 700 bags ang unang naipadala at inuunti-unti naman ang pagkarga ng 4,000 bags sa truck mula sa PhilRice.

Tiniyak ni Guarin na sapat din ang supply para sa Bicol, sa mga pangangailangan ng binhi pumunta lamang sa kanilang municipal agriculture office lalo na ang mga rehistrado sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ang mga hindi pa rehistrado, puwedeng magtala sa mismong araw.