Babae, tiklo sa drug buy-bust operation sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Isang 42 anyos na babae ang naaresto ng mga operatiba sa Brgy. Agos, bayan ng Polangui, Albay matapos na magpositibo sa droga sa ikinasang operasyon kontra iligal na droga. 

Ang suspek na si alyas “Bem” ng Brgy. Poso ng kaparehong bayan ay natiklo ng mga otoridad partikular ang Polangui MPS at RPDEU-5 Team Albay kasama ang iba pang yunit matapos nitong pagbentahan ang isang poseur buyer ng humigit-kumulang 1.5g ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang PHP5,000.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa pagsasagawa naman ng body search sa suspek, narekober pa sa kanya ang dalawang pirasong malaking plastic sachet na naglalaman ng 5g ng kaparehong item at may market value na PHP34,000.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pansamantalang dinala ang suspek sa nasabing himpilan kasama ang mga narekober na ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.