NAGA CITY- Inabisuhan ng Department of Agriculture-Bicol ang mga magsasaka na maghanda sa posibleng epekto ng bagyong Odette.
Ayon kasi sa PAGASA maaaring magdala ng malawak na pag-ulan ang bagyo at ulalin pa ang Bicol kahit na nga Eastern Visayas o CARAGA Region ang maaaring tamaan nito.
Sinabi ng Kagawaran na kung 85% nang hinog ang palay anihin na. Handa ang DA na ipahiram ang combine harvester/thresher halimbawa ang nasa San Agustin, Pili Camarines Sur. Mayroon din nito sa ibang lalawigan. Gamitin na rin ang mga flatbed dryers na nasa mga kooperatiba, asosasyon at LGUs sa rehiyon.
Sa Minalabac , Camarines Sur mas marami ngayon ang bagong tanim na palay kaysa sa aanihin. Ayon kay Mayor Chris Lizardo, kailangan mamonitor ng mga magsasaka ang waterlevel, buksan ang mga water ways upang hindi malubog sa baha ang mga bagong tanim.
Gayunpaman , sinabi nitong biyaya ito para sa mga magsasakang sa ulan umaasa lalo pa ang mga nasa matataas na lugar ang taniman.
Ang Minalabac ay isa sa malalaking Rice Producing town sa Bicol Region.