Muling pinagtibay ng Czech government ang kanilang suporta sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines.
Ang pangako ay muling inulit sa pulong kamakailan ni Undersecretary of National Defense Irineo Espino kay Ambassador of the Czech Republic to the Philippines, Karel Hejč.
Inihayag ni Hejč ang pagpayag ng kanilang bansa na ituloy ang government-to-government cooperation, pag-explore sa manufacturing arrangements at mag-alok ng financing options para sa mga potential projetcs sa Pilipinas.
Tinalakay din ng dalawang opisyal ang ilang prospects para sa long-term defense cooperation sa ilalim ng 2017 Agreement on Defense Cooperation at ang 2021 Memorandum of Understanding patungkol sa Cooperation sa Area of Defense Industry at Logistics sa pagitan ng DND at ng Czech Ministry of Defense.