Dumulog sa Brigada ang isang customer matapos niyang magpaaayos ng cellphone LCD sa isang Mall sa Puerto Princesa City.
Ayon sa nagreklamo na si Ms. Gloria Gedaro, pinaayos niya noong Sabado ang sirang LCD ng cellphone sa halagang P2,200 pero nadismaya siya pagkatapos.
Sinabi nitong pag-uwi niya galing sa shop dala ang cellphone unit ay natuklasan niyang may basag na ang LCD nito sa hindi niya malamang dahilan.
Nang binalikan niya ang shop sa mall ay sinisi pa raw siya ng cellphone technician nang ipaalam ang tungkol sa sirang LCD.
Ipinayo raw kasi ng technician na huwag agad tanggalin ang plastic sa screen pero kinabukasan ay basag na LCD ang tumambad kay Ms. Gloria.
Pinag-diinan ng nagrereklamo na na-titiyak nyang hindi n ito nabasag kaya ipinakikiusap nito sa technician na ayusin na lamang muli ang unit.
Kaugnay nito, sinikap ng Brigada na kunin ang paliwanag ng cellphone techinician na pinaayosan ng cellphone subalit hindi kami napaunlakan ng panayam.