1 sugatan  sa banggaan ng tricycle at motorsiklo

Sugatan ang driver ng motor matapos makabanggaan ang tricycle ganap na alas-otso gabi ng Linggo, July 31, 2022 sa National Highway ng Barangay Antipuluan Narra, Palawan.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si  Isidro Aniscol Fernandez, 56 anyos na residente ng Barangay Antipuluan habang sa Tricycle naman ay si Fernando Buenaventura Badilla, 57 anyos at angkas nito si Carina Santillan Badilla, 52 anyos pawang residente ng Barangay Poblacion sa munisipyo.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Base ulat ng Narra PNP, Mula sa Bayan ng Aborlan ang tricycle patungong Poblacion Narra, subalit pagdating sa lugar ay biglang tumawid ang kabanggaan na motorista mula sa kaliwang bahagi ng kalsada dahilan nang aksidente.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang driver ng motor na mabilis namang dinala sa pagamutan habang hindi naman nasaktan ang nagmamaneho ng tricycle at angkas nito.

Samantala, sa ngayon ang mga sasakyang sangkot ay nasa kustodiya na ng Narra PNP para sa tamang disposisyon.