SORSOGON CITY – Nasa panglimang puwesto ang Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) sa talaan ng anti-illegal drug operations sa buong rehiyon.
Nakapagtala ito ng mahigit 70 naarestong tulak at gumagamit ng iligal na droga mula Enero hanggang Nobyembre nitong taon.
Sa datos mula sa Police Regional Office 5 (PRO5), may kabuuang 1,327 na drug pusher/user ang naaresto ng pulisya sa buong rehiyon.
Sa nasabing bilang na naaresto, 392 ang nadakip sa Camarines Sur; 333 sa Albay; 269 sa Naga City; 183 sa Camarines Norte; 78 sa Sorsogon; 40 sa Masbate at 32 sa Catanduanes.

Kabilang na dito ang 151 na naaresto sa ikinasang search warrant; 881 sa buy-bust a; 84 ang hinainan ng warrant of arrest at 51 sa iba pang operasyon.
May naitala namang nasawi sa operasyon na 52 habang nasampahan na ng kaukulang kaso ang 2,031.
Ayon pa sa datos, umabot sa halagang P80, 801,945.28 ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga, kinabibilangan ito ng 29, 518.90 grams na Marijuana at 2,285.09 grams na shabu, lahat ng ito ay mula sa 1,167 na operasyon na inilunsad ng PNP sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.