Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur 22 na lamang

NAGA CITY- 22 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur sa 13,518 na cumulative cases mula 2020.

Ito ang update ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO. Malayo sa data ng Department of Health Bicol na 972 pa.  Sa cumulative cases 12, 963 na ang gumaling habang 533 ang nasawi.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Makulimlim man ang panahon kahapon at nagbabanta ang ulang dala ng Bagyong Odette , isinagawa ang National Vaccination Days Round 2 base na rin sa schedule ng Department of Health na Dec. 15-17. Pero bago ito mayroon nang Provincial Vaccination Days mula noong Dec. 9 at magtatapos sa Dec. 18.

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Rey Millena,  maayos ang koordinasyon sa incident management team kasama ang provincial LGU kaya monitored ang kalagayan ng bawat bayan, hindi naman naging problema ang panahon kahapon kaya tuloy ang vaccination rollout.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sinabi ni Millena sa naging panayam ng Brigada News FM Naga na sa ngayon kakaunti na ang pumipili ng brand at tumatanggi sa bakuna laban sa COVID-19.