Curfew sa bayan ng Virac, Catanduanes tinanggal na ng alkalde

Virac, Catanduanes—“Wala nang ipatutupad na curfew sa bayan ng Virac, Catanduanes.”

Iyan ang kinumpirma ng alkalde ng bayan na si Mayor Sinforoso Sarmiento matapos nitong tanggalin at ipasawalang bisa ang naunang ibinabang ordinansa sa pagkakaroon ng curfew hours sa nasabing bayan.

Ayon kay Sarmiento, binigyan niya lamang ng konsiderasyon ang mga negosyante sakanilang lugar na nakiusap sa lokal na pamahalaan na tanggalin na ang curfew matapos na maapektuhan ang mga pang-gabing negosyo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ikinabahala umano ng mga ito na kung patuloy silang hindi makakapag operate tuwing gabi dahil sa curfew, mapipilitan silang mag tanggal ng mga empleyado kung saan maraming pamilya rin ang maaapektuhan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dagdag pa ng alkalde, kung patuloy rin aniyang ipapatupad ang curfew sakanilang bayan, ito ay magiging kontradiksiyon sa kautusan ng IATF kung saan pinapayagan nang lumabas ang mga 19-anyos pataas partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.

Dagdag pa ni Sarmiento, maaari namang magpatupad ng local curfew ang bawat barangay ngunit siguraduhing tatalima ito sa guidelines na ipinatutupad ng munisipyo.###