CSPPO nagpadala ng dagdag na puwersa para sa seguridad ng publiko sa Munisipyo ng Bato, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nagpadala ang Camarines Sur Police Provincial Office ng dagdag na pulis  o puwersa para sa seguridad ng mga may transaksyon sa munisipyo at ng publiko sa Bato, Camarines Sur.

Ito ay matapos ang naging sitwasyon nitong Lunes kung saan naging pahirapan ang pagpasok ni Mayor Junjun Zorilla Jr at kaniyang kampo,  nadatnan na nakalock ang gate ng munisipyo.  Ninindigan ang Bise Alkalde na si Vic Ramos na epektibo na ang 6 months suspension order ng alkalde na ibinaba ng Office of the Governor matapos ang naging desisyon ng Sanguniang Panlalawigan sa kasong Administratibo para sa Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service. Ang karapatang makapag-apela naman ang pinanghahawakan ng kampo ng Alkalde.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCAPT. Junny Cris Curba , OIC ng Bato PNP, sinabi nitong ginawa nila ang lahat nitong Lunes Hulyo 10, 2023 upang maging mapayapa ang sitwasyon sa kabila ng nararamdaman nilang tensyon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ngayon, nakamonitor pa rin an PNP katuwang ang mga personahe ng CSPPO sa anumang posibleng mangyari, pinakikiusapan nila ang supporters na maging maingat din sa mga komento o pahayag upang maiwasan ang gulo.

Ipinangako ng PNP ang pagiging patas ,  neutral o walang papanigan sa isyu.  Sa ngayon nasa kabilang building nag oopisina ang alklade habang nasa munisipyo naman ang acting mayor.