CAMARINES NORTE- Suportado ng Civil Service Commission ang kampanya ng Department of Health sa pagbabakuna kontra COVID- 19 o ang Pinaslakas.
Ito ang pagtitiyak ni CSC Camarines Norte Acting Director II Atty. Alicia Salinas sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.
Ayon kay Salinas mismong si Chairman Atty Karlo Alexi Nograles umano ay nagpahayag na suportado nito at ng komisyon ang vaccination drive kontra COVID- 19.
At ngayong ipinagdiriwang ang Civil Service Month ay tiniyak ng CSC ang suporta sa DOH kung magsasagawa ito ng pagbabakuna sa iba’t- ibang opisina ng gobyerno.
Ito’y lalo’t target ng DOH na isang daang porsientong mabakunahan ang mga empleado ng lahat ng ahensiya ng gobyerno.
Gayunman, aminado ang opisyal na may mga taong hindi maaaring bakunahan dahil sa kanilang medical condition at hindi pwedeng pilitin.
Bagamat, nire- require ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang mga empleado na magpabakuna kontra COVID- 19 ay hindi naman umano ito mandatory sa batas.
Pero ang mga hindi magpapabakuna ay kailangang regular na sumailalim sa antigen o RT- PCR test kung pipiliin nitong huwag magpabakuna alinsunod sa IATF.
