CAMARINES NORTE – Naglabas ng mga “last minute” reminder ang Civil Service Commission (CSC) kaugnay sa Career Service Examination Pen and Paper Test (CSE- PPT sa linggo, March 3, 2024.
Ayon sa CSC Provincial Field Office nasa 1, 450 lahat ang kukuha ng examinations professional at sub- professional levels na gaganapin sa Camarines Norte State College main- campus.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay CSC Director II Atty. Alicia Salinas inihayag nito na handa na ang mga gagamitin sa examinations at nagkaroon na rin ng briefing sa mga test administrators.
Maaari na ring ma- access ng examinees ang online notice of school assignment sa pamamagitan ng link na makikita sa official facebook page ng CSC.
Magbubukas ang gate sa mismong examination day sa ganap na alas 6 ng umaga.
Mahigpit ding ipapatupad ng CSC ang No ID no exam policy.
Ipinaalala rin ni Salinas ang tamang bihis ng mga kukuha ng examination na dapat puting t- shirt o polo shirt at bawal ang naka- shorts at tsinelas.
Black ballpen lang din ang gagamitin sa examinations.
