CAMARINES NORTE – Iniutos ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggal sa mga barikada ng eskwelahan na malapit sa national highway bilang pagtalima sa kautusan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa Division Memorandum ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla na may petsang February 22, 2024 kapansin- pansin umano ang mga pedestrian barricades sa iba’t- ibang eskwelahan sa Camarines Norte na malapit sa national highway na posibleng makadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng vehicular accidents.
Kaugnay nito ipinag- utos ni Morcilla sa mga eskwelahan na tanggalin ang mga barikada habang nagkaklase at pagkatapos ng klase lalo na sa gabi.
Batay kasi sa Department Memorandum No 73 series of 2014 ng DPWH, ipinagbabawal ang lahat ng klase ng pansamantala at permanenteng structure kabilang ang signages sa right-of-way.
Maaari lang itong gamitin kapag pasukan at labasan ng mga estudyante sa umaga, tanghali at hapon.
Dapat ding mayroong taong naka- assigned para i- monitor ang mga bata.
