CAMARINES NORTE- Nag umpisa nang magpadala ng abiso ang Civil Service Commission- Camarines Norte Field Office sa pamamagitan ng text message sa mga examinees kaugnay sa School assignment para sa June 19, 2022 Career Service Examination, Pen and Paper Test.
Bukod sa school assignment ay mayroon ding mga paalala ang komisyon para sa naturang exam.
Ang testing venue para sa Civil Service Exam ay sa Camarines Norte State College Main Campus.
Ang iba pang mga mahahalagang paalala ay maaaring mabasa sa CSC Examination Advisory No. 09, s. 2022.
Inaasahang hindi bababa sa 600 Cam Norteño ang kukuha ng naturang eksaminasyon.
Nasa 450 ang nakalaan para sa Professional habang 150 naman sa sub- professional.
Mayroon pa rin kasing limitasyon sa bilang dahil kailangang masunod ang health protocols at hindi makompromiso ang kaligtasan ng mga examinees.
Noong March 2022 CSE- PPT nasa 427 ang kumuha ng professional exams habang 166 naman ang sub professional.
Mas marami naman ang kukuha ng kahalintulad na eksaminasyon sa Agosto.
