Canoreco posibleng magdaos ng AGMA sa Disyembre, approval ng NEA hinihintay pa

CAMARINES NORTE – Posibleng magdaos ng Annual General Membership Assembly o AGMA ang Camarines Norte Electric Cooperative sa buwan ng Disyembre.

Ayon kay General Manager Zandro Gestiada pinag- uusapan na rin nila ang bagay na ito pero kailangan umano ang approval ng National Electrification Administration (NEA).

Kinumpirma ni Gestiada sa Brigada News FM na nag- inquire na sila sa NEA tungkol dito at kung anong platform ang gagamitin.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Bukod sa NEA ay kailangan din umano ang approval ng Lokal na gobyerno lalo’t patuloy ngayon ang pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19.

Dahil daw sa kasalukuyang sitwasyon na dulot ng pandemya ay maraming mga dapat isaalang- alang kung matutuloy o hindi ang AGMA o kung ito ay gagawin  virtually o face to face.

Noong  wala pang pandemya ay isinasagawa ang AGMA tuwing huling Sabado ng Agosto.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Dito ipinapaalam sa mga miyembro kunsomidores ang kalalagayan ng naturang kooperatiba ng kuryente partikular ang financial status nito sa pamamagitan ng pag- uulat ng General Manager, Pangulo ng Board of Directors, Treasurer’s report at iba pa.

Dahil sa COVID- 19 pandemic walang ginanap na AGMA noong isang taon at kung sakali ay ikalawang taon na ngayon.