Carnapper sa U.S na may kasong pagnanakaw ng kotse, dumalo sa hearing ng korte sakay ng ninakaw na sasakyan

Agad na inaresto ng mga kapulisan sa Dublin, California ang isang 40-anyos na ginang matapos na tila ibuko nito ang kanyang sarili sa mga otoridad sa salang pagnanakaw ng kotse.

Kinilala ang suspek na si Brandy Leigh Jones, na nagtungo sa korte para sa hearing ng kasong pagnanakaw ng kotse o ‘grand theft auto’ na isinampa laban sakanya.

Ayon sa Dublin Police Department, bago ang naturang hearing ay nakatanggap sila ng blotter hinggil sa insidente ng carnapping kung saan isang van ang umano’y tinangay ng suspek.

Sakanilang isinagawang imbestigasyon, na locate nila ang ninakaw na sasakyan sa East County Hall of Justice at matapos tingnan ang CCTV, ikinagulat ng mga itong ang suspek na si Brandy Leigh Jones ang lumabas mula sa nakaw na sasakyan.

Dahil dito, agad na dinakip ng mga otoridad ang suspek at ikinulong sa Sta. Rita Jail na nahaharap na ngayon sa patong-patong na kaso ng pagnanakaw.### JUMEL DELA ROSA, BNFM BICOL