CSC -Bicol aminadong marami ang natatangap na ‘feedback’ sa ‘online slots reservations’  para sa ikalawang batch ng civil service exam

BNFM BICOL – Aminado ang Civil Service Commission o CSC Bicol na marami ang kanilang naririnig na ‘feedback’ pagdating sa sistema ng online slots reservations para sa August 07, 2022 Civil Service Exam.

Ayon kay CSC-Bicol Regional Director – Daisy Punzalan Bragais, humihingi sila ng dispensa sa mga aplikante na nakakaranas ng hirap sa pag access at pag file ng reservations online.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sakabila nito, sinabi ng opisyal na mas pinahaba ngayon ang araw ng ‘online slots reservation’ na nagsimula nitong Mayo 25 hanggang Mayo 30 habang magsisimula naman ang aplikasyon sa June 2 hanggang June 16, 2022.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala, binigyang diin ni Bragais na susunod na online application sa susunod na taon ay mas papagandahin pa nila ang sistema at gagamitin ang mga natatanggap ngayong feedback para mas mapabuti ang serbisyo.###