Camarines Sur Alert Level 2 parin hanggang sa Hunyo 15

NAGA CITY- Alert Level 2 pa rin ang lalawigan ng Camarines Sir sa Hunyo 1 hanggang Hunyo 15, 2022.

Ito ay batay sa update ng Interagency Task Force sa Risk Classification sa patuloy na banta ng COVID-19 sa kabila ng paisa-isang kaso ng nasabing sakit.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Chris Lizardo ng Minalabac sinabi nitong  hindi pa pasok ang 66% vaccination coverage base sa requirement ng IATF. 

Nahihirapan aniya sila dahil ayon sa IATF magpabakuna, pero wala namang batas na oobliga nito at iyon ang bitbit ng mga ayaw magpabakuna. Ibinigay sa LGU ang bola para sa mga stratihiya pero iba-iba aniya ang kauutusan ng mga kagawaran, gayunpaman tuloy-tuloy ang kanilang paghihikayat sa lahat ng sektor.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dagdag pa ni Lizardo hindi pa sila pinapayagan sa mga aktibidad sa fiesta at palaro kumpara sa mga bayang naabot na ang herd immunity at mataas ang vaccination rate.