Cryptic post ni Tom patungkol nga ba kay Carla?

Bagamat alam na ng publiko na hiwalay na ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, marami pa ring netizens ang nagulat sa cryptic post ni Tom.

Ito ay matapos ang ilang buwang pag-deactivate ni Tom sa kanyang Instagram account.

Sa post kasi ni Tom, makikita ang dalawang kamay na mayroong putol na kadena na tila nagpapakita ng paglaya o paghihiwalay.

Ayon sa mga comment ng mga netizens, si Carla nga kaya ang pinatutungkulan ni Tom dahil usap-usapang nagpapahanda na siya ng dokumento para sa annulment ng kanilang tatlong buwang kasal.

Una nang lumutang ang mga balitang nasa America si Tom habang si Carla naman ay abala sa pagpapatayo ng kanyang sariling bahay habang for sale na ang kanyang posh condo unit sa Pasig city.