LEGAZPI CITY – Iinihayag ng City Tourism Office (CTO) Legazpi sa unang tatlong buwan sa taon 2022 may mga nagsisipagdatingan na rin na turista sa lungosd dahil naluwagan na rin ang mga restrictions sa bawat Rehiyon sa bansa.
Ayon kay Agapita Pacres ang head ng nasabing opisina, pumalo na sa 36,053 lokal at foreign tourist ang bumisita sa lungsod.
Sa pagbubukas umano ng ekonomiya at pagluwag ng mga health protocols sa bansa ay makakabangon rin ang local na pamahalaan ng legazpi.
Aminado ito na malaki ang ibinagsak ng turismo sa lungsod simula ng tumama ang pandemya sa bansa.
Sa katunayan, noong 2017, ang Legazpi city ay isa sa nangungunang tourist destination sa Southern Luzon na nakapagtala ng 1,275,710 tourist arrivals, 1,254,353 ang bumisita noong 2018, at bahagyang tumaas sa 1,278,115 arrivals noong 2019 o bago pumasok ang covid 19.