Critical water level sa mga water sources sa Naga City, posibleng bumalik na sa normal

NAGA CITY – Babalik na sa normal level ang dating critical level ng mga water sources sa Naga City sa nangyayaring pag uuulan–ulan na sa lungsod at sa ibang bahagi ng Camarines Sur na isa sa naging dahilan naman ng water shortage ng Metropolitan Naga Water District sa kasagsagan ng El Niño Phenomenon.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Ito ang pagtantiya ni Alex San Jose, OIC -Chief ng Watershed Management Division ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO)  na regular ang pagbisita sa mga water sources ng lungsod na ayon sa kanya ay inaasahan na nila ang dahan-dahan na pagbabalik sa normal level.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa kanyang panayam sa Brigada News FM Naga, sinabi ni San Jose na itong pag-uulan ay may maganda at masamang epekto sa sa kapaligiran, sa mga ari-arian at maging sa buhay ng bawat isa na kung saan pagbabaha, landslide at mga sakit ang dala din ng panahong ito.