Criminology fresh graduate, itinulong sa mag-inang nakita sa kalsada ang pambayad sana niya ng board exam

“𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙣𝙖 𝙗𝙖𝙠𝙖 ‘𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙩𝙞𝙣𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙢𝙤 [𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣] 𝙖𝙮 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙮𝙤 [𝙨𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙝𝙖𝙧𝙖𝙥].”

Hinangaan ng mga netizens ang ginawang kabutihan ng isang fresh graduate mula sa Echague, Isabela matapos nitong ibigay ang pambayad sana sa kaniyang board exam sa mag-inang nakita niya sa gilid ng kalsada.

Base sa salaysay ni Jerico Danao Malab, alas-9 ng gabi aniya habang papunta siya sa San Mateo ay nakita niya sa gilid ng kalsada ang mag-ina na tila nangangailangan ng tulong.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dahil dito, binalikan ni Jerico ang lugar kung saan niya nakita ang mag-ina at doon niya nasaksihan ang kanilang sitwasyon.

Papunta aniya sa ospital ang mag-ina gamit ang bisekletang may sidecar dahil inaapoy na sa lagnat ang anak nito.

Nabanggit sa kaniya ng nanay na walang-wala sila ngayon kaya dito na naisipan ni Jerico na ibigay ang kaniyang pera na gagamitin sana niya para sa kaniyang board exam upang may magamit ang nanay sa pagpapagamot sa kaniyang anak.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Siniguro rin ni Jerico na ligtas at maayos na makakarating sa pagamutan ang mag-ina kaya humingi rin ito ng saklolo sa isang traysikel drayber.

Dahil sa ipinakitang kagandahang loob ni Jerico ay sinuklian ito ni Mayor Kiko Dy ng Echague, Isabela sa pamamagitan ng pagtulong din kay Jerico na maituloy niya ang kaniyang pagsusulit.

Nagtapos si Jerico sa Isabela State University Echague kung saan ngayong darating na Pebrero ay kukuha na siya ng Criminology Licensure Examination.