𝗙ood stamp program, aarangkada a Isabela

Magsisimula na sa San Mariano, Isabela ang food stamp program ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02.

Ayon sa kagawaran, nagkaroon na ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng DSWD at LGU-San Mariano para sa implementasyon ng programa.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Isa ang San Mariano sa limang munisipalidad sa bansa na pagsasagawaan ng pilot implementation ng programa dahil kabilang ito sa Geographically Isolated Area na nangangailangan ng food assistance.

Layunin ng food stamp program o ang Walang Gutom 2027 program na mabawasan ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa pamamagitan ng pagbibigay ng P3,000 food credits sa kanilang Electronic Benefit Cards na magagamit nila sa mga accredited merchants.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Matatandaan na unang napili na naman ang San Mariano noong pilot implementation ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang malalaking programa ng ahensya.