NAGA CITY- Bumaba ang crime rate sa Camarines Sur base sa datus ng provincial command mula Enero hanggang Hunyo 2024.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ. Maria Victoria Abalaing, sinabi nito na sa pakikipagtulungan ng komundidad nagiging epektibo ang kanilang mga kampanya kontra kriminalidad. Sa datus ng pulisya mayroong 3,762 krimen sa nasabing mga buwan noong 2023 o may Average Crime rate na 32.22. May 3,503 krimen mula Enero hanggang Hunyo 2024 o Average crime rate na 30.00. Isa sa mga bumaba ng husto ang kaso ng rape ayon pa kay Abalaing.
Sa unang anim na buwan ng taon kabilang sa mga krimeng naitala ang pagpatay sa dalaga sa Iriga City , may natagpuang bangkay ng babae sa dayami sa Pamplona, may nakuha ring bangkay sa basurahan sa San Fernando, pati pananambag sa ex-kapitan sa Tinambac, pero marami rin namang naarestong mga wanted persons.
Samantala sa PRO5 Online Community Engagement Survey lumabas na significant majority ng mga Bicolano ay malaki ang tiwala sa pulisya. Sa 3,153 Bicolano respondents, 2,214 o 70.22% ang nagsabing “totally trust” sa PNP habang 611 o 19.38% naman ang nagsabing may “trust” sila sa Kasurog cops.