KORONADAL CITY – HUMINGI ng pasensya at pang-unawa si Philippine Statistics Authority o PSA 12 regional director Atty. Maqtahar Manulon sa publiko dahil sa pagkaantala ng delivery ng mga Philippine Identification System ukon PhilSys ID cards.
Ayon kay Manulon na nagkaroon ng problema sa production ng national ID.
Napag-alaman na umabot na sa 68 million ang nakapagparehistro sa PhilSys ngunit ang narelease na ID card sa buong bansa ay nasa 14 million pa lamang.
Ngunit pinasiguro ng opisyal na ginagawa nila ang lahat kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang ahensya ng gobyerno upang mapabilis ang releasing ng national ID kung saan target ng mga ito na makapag-release ng 20 million na mga ID bago matapos ang taong 2022.
Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng PSA ang pag-release ng temporary ID upang may magamit ang mga mamamayan habang hinihintay ang pagdating ng permanent national ID.
