Crews ng nakaangklang vessel sa Albay mula sa Indonesia, di pa pinapayagang makababa

Hindi pa pinapayagang makababa ang ilang crew members ng towing vessel at barge na may lulang COVID-infected Filipino seafarers mula sa Indonesia, na naka-angkla sa Albay noong Martes ng gabi.

Kaugnay nito, 12 sa 20 crew members ang nagpositibo sa COVID-19, pero nakauwi ng Butuan City ang isa bago pa man lumabas ang test result, dahilan para maiwan ang 11 asymptomatic COVID-positive individuals sa loob ng barko.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Tiniyak naman ng Coast Guard na ang mga pasyente at close contacts ay hindi makakababa at wala rin makakalapit na sasakyang pandagat, para makontrol ang pagkalat ng nakakahawang virus.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa ngayon, pina-finalize pa ng PCG at local officials ang protocols para sa disembarkation para matiyak na ligtas ang mga residente ng Albay.