Crackdown vs agri-smuggling, paiigtingin pa; Presyo ng pulang sibuyas, bababa na – DA

Mas palalakasin pa ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang nito para habulin ang mga nasa likod ng pagpupuslit ng iba’t ibang mga agcricultural products sa bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Eztoperez na asahan na raw ang mas matinding crackdown laban sa mga agri-products smuggler.

Pangako ni Estoperez, sa kasalukuyang administrasyon ay matutuldukan na ang mga ganitong uri ng economic sabotage.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG chairperson Rosendo So na inumpisahan na ng kanilang grupo katuwang ang DA at Bureau of Customs, ang pagsasampa ng kaso laban sa mga smugglers at illegal traders ng mga agri-products.

Naniniwala rin si So na ang mga nasabat kamakailan na mga smuggled onions sa kabi-kabilang operasyon ng DA ay wala pa sa katiting ng mga sibuyas na iligal na nakapapasok ng bansa.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Sa katunayan, mayroon umanong labinglima hanggang dalawampung new players o mga bagong smugglers sa Pilipinas.

Ayon kay So, kasama sa mga karaniwang ini-smuggle ng mga ito ay bigas, sibuyas, frozen meat products at iba pa.

Iginiit ni So na malakas ang loob ng mga smuggler dahil wala namang nasasampolan sa mga ito.

Bagama’t may ilan umanong nasampahan ng kaso, pero wala namang nakukulong na smugglers.

Mas murang presyo ng pulang sibuyas, inaasahan na umano bago matapos ang taon

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Umaasa ang DA na unti-unti nang bababa ang presyo ng pulang sibuyas bago matapos ang taon.

Sinabi ni Estoperez na posibleng magbaba na ang halaga ng sibuyas sa merkado, sa gitna ng pagsirit ng presyo nito.

Matatandaaan kasing halis ‘sing presyo na rin ng karneng baboy ang pulang sibuyas matapos umakyat sa P280 hanggang P300 ang presyo ng kada kilo nito.

Ayon kay Estoperez, inaasahan nilang tataas ang suplay nito dahil off-season na.

Sa kabila nito, dedepende pa rin daw yan sa kalalabasan ng harvest ng mga onion farmers.

Muli namang kinumpirma ni Estoperez na hindi na ibebenta pa sa merkado at mga KADIWA ng Pasko stores ang mga nakumpiskang smuggled na sibuyas dahil hindi ito ligtas para sa human consumption.
#