Muling bubuksan ang voters’ registration sa Lunes.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) spokesperson John Rex Laudiangco, tatagal ang registration hanggang ika-31 ng Enero taong 2023.
Lahat ng kwalipikadong maging botante ay maaaring bumista sa tanggapan ng COMELEC sa kani-kanilang bayan mula Lunes hanggang Sabado simula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Dagdag ni Laudiangco, may inihanda rin ang ahensya na tatlong malls sa labas ng Metro Manila na magiging pilot test areas ng Register Anywhere Project (RAP).
Bukod sa mga malls, maaari ring makapagparehistro sa senado sa Pasay City sa Enero 25.
Mensahe ng COMELEC sa publiko, samantalahin at i-schedule na ang pagpapa-rehistro dahil tatakbo lang ang registration sa loob ng isang buwan.
#
