Crackdown sa mga high-value criminals, ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Marbil

Nagbaba ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa lahat ng mga police units sa bansa na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga high-value criminals.

Sinabi ni Gen. Marbil na nais nyang magkaroon ng crackdown sa mga wanted individuals sa buong bansa bilang bahagi ng kanilang anti-criminality campaign.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Layon ng kautusan na tiyaking mas ligtas ang publiko sa ilalim ng Bagong Pilipinas at bilang paghahanda na rin sa seguridad para sa papalapit na 2025 elections.

Samantala, pinapurihan naman ni Marbil ang mga nagawa ng Criminal Investigation and Detection Group sa ilalim ni Police Major General Leo Francisco.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

Mula kasi January 1 hanggang July 15, 2024, ay aabot na sa 6,259 operations ang kanilang nagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 6,250 wanted na mga indibidwal.