BIR naglagay ng Tax Tulungan Center sa ilang establishment sa Camarines Norte para sa mas mabilis na paghahain ng ITR

CAMARINES NORTE- Naglagay ng Tax Tulungan Center ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilang establishment sa Camarines Norte simula nitong Lunes, March 28, 2022 para mas mapabilis ang paghahain ng Income Tax Returns.

Ayon kay Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon matatagpuan ang Tax Tulungan Center sa Houseware Plaza superstore, SM City Daet, New One at LCC Labo.

Dito ay maaaring magtanong at magpatulong ang mga taxpayer sa mga kinakailangang gawin sa paghahain ng ITR.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Bukas ang mga ito araw- araw  para na rin sa convenience ng taxpayers pero tanging ‘assistance’ lang at hindi tumatanggap ng payment.

Dun pwede kayo dun magpatulong kung paano mag ano nung inyong tax, pwede kayo dun magtanong, pero wala sila dun bayad hanggan lang assistance,” ani De Leon sa panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay De Leon  walang extension sa deadline ng paghahain ng ITR sa April 15 ng taong kasalukuyan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Pero dahil pumatak ang April 15 ng Biyernes Santo ay pwedeng mag file sa susunod na working day o sa April 18.

Kaugnay nito ay hinimok ni De Leon ang mga taxpayer na hanggat maaari ay mag file at magbayad ng maaga at huwag nang hintayin ang deadline.

Hindi na rin kailangang magsiksikan  sa tanggapan ng BIR sa tuwing deadline ng paghahain ng ITR dahil available na ang online facilities.