Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga gumagaling o nakaka rekober sa Covid-19 sa Central Luzon.
Sa latest data na inilabas ng Department of Health o DOH Region 3, sa 253, 690 na confirmed cases sa rehiyon nasa 234, 992 o katumbas ng 93 percent ang mga gumagaling.
Habang 5 percent na lamang o 13, 532 ang nananatiling aktibong kaso.
Samantala, 5, 166 o 2 percent sa mga nagkaroon ng sakit na Covid-19 sa Gitnang Luzon ang nasawi.
