COVID cases sa highly urbanized cities sa Luzon, nagpapatuloy sa downward trend —OCTA

Napanatili umano sa mga highly urbanized cities sa Luzon ang kanilang kaso ng COVID-19 sa downward trend.

Ayon sa OCTA Research, patuloy rin umanong naitatala ang negative growth rates at low reproduction numbers.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kaugnay nito, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang Angeles, Dagupan, Lucena, at Olongapo ay gumanda na sa low risk para sa COVID-19, habang ang Baguio City at Puerto Princesa ay nasa moderate risk, at napanatili rin sa moderate risk ang Naga at Santiago.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Pero sa datos ng OCTA, lumalabas na ang Baguio City ay may mataas na average daily attack rate (ADAR) sa 21.17 at mataas na positivity rate sa 18%, habang ang Naga at Puerto Princesa ay mayroong very high positivity rate sa 28% at 49%. //MHEL PACIA-TRINIDAD