COVID-beds sa dalawang covid- referral centers sa Camarines Sur, pareho nang nasa critical level; fully vaccinated 13% pa lamang

NAGA CITY- Puno na o na sa critical level na ang COVID beds sa dalawang COVID referral centers sa Camarines Sur na Bicol  Medical Center (BMC)  na nasa Naga City at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC)  dating Bicol Sanitarium sa bayan ng Cabusao.

Sa update ng Department of Health Bicol sinasabing 100% nang ukupado o nagamit ang COVID beds sa BMC habang tatlo na lamang ang bakante sa BRGHGMC.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga severe at critical cases lamang ang dapat na nasa mga COVID referral centers subalit ayon pa sa DOH Bicol may mga mild cases na na-rerefer pa rin sa naturang mga pagamutan.

Paulit-ulit ang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan na magpabakuna laban sa nasabing nakahahawa at nakamamatay na sakit  subalit sa huling tala ng DOH sa 1, 454, 788 na indibidwal na target bakunahan sa buong lalawigan kabilang na ang dalawang lungsod 13% pa lamang nito ang fully vaccinated.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

May mga nagdadalawang isip narin at nagtatanong bakit pa magpapabakuna kung may mga vaccinated ngang tinatamaan pa rin ng virus at nasasawi.

Sagot ni COVID-19 Vaccine Regional Coordinator Dr. Rita Mae Ang-Bon, ang pagpapabakuna ay nagdadadag ng proteksyon laban sa malalang epekto ng virus, makaiwas sa pagpapaospital at pagkamatay. Dulot nito maiiwasan din ang pagpupunuan ng mga treatment facilities at COVID referral centers.