BNFM BICOL—Inihayag ni Schools Division Superintendent Susan Collano na tanging ang Cabuyoan Elementary School lamang sa bayan ng Panganiban, Catanduanes ang natatanging paaralan sa islang lalawigan na inirekomenda ng DepEd para magsagawa ng pilot implementation ng limited face to face classes.
Ayon kay Collano, ang nasabing paaralan lamang ang naka kumpleto ng mga hininging requirements ng ahensya para sa pagsasagawa ng limited face to face classes at batay na rin sa lumabas na resulta ng kanilang survey.
Ganunpaman, binigyang diin nito na hinihintay pa ng kanilang tanggapan ang ibabang listahan ng DepEd Central Office kaugnay ng mahigit 100 paaralan sa bansa na makakasama para sa pilot testing maging ang mga guidelines na ipapatupad para dito.
Sa ngayon, ay ipagpapatuloy ng School’s Division Office ang pagsasagawa ng survey sa mga paaralan sa probinsya na maaaring makasama para naman sa “expanded limited face to face classes” na nakatakda namang isagawa pagkatapos ng pilot testing.###