LTFRB humingi ng pasensya sa mga mga pasahero sa Camarines Sur kaugnay ng pinaagang pagtatapos ng Libreng Sakay

NAGA CITY- Ngayong araw na Hulyo 7, 2022 ang matatapos ang Libreng Sakay na programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Una nang sinabi na magtatapos sana ito sa Hulyo 15 o di kaya ay Hulyo 23 pero mas napaaga, kaya naman humingi ng paumanhin si Perrie Solano ng LTFRB Camarines Sur sa mga pasaherong nanginginabang dito sa loob ng ilang buwan o linggo, tulad ng mga mula Naga papunta sa Pasacao, Libmanan, Calabanga at iba pa.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Aniya nitong Hulyo 6 lamang sa kanila ibinaba ang direktiba na terminated na ang Service Contracting Program,  naabisuhan na ang mga driver na kasama sa programa at paplantsahin ang sistema sa pagbabayad sa mga driver.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ayon kay Solano, hindi pa nila mabatid ang dahilan dahil may pondo pa naman pero sa tingin nito wala koneksyon ang reklamo ng mga hindi kasama sa programa na bawas na bawas ang kanilang kita.